Quitting Smoking to Improve Heart Health (Tagalog)
Kung ikaw ay nasa programang rehabilitasyon ng puso, nakagawa ka na ng magagandang desisyon para mapanatiling malusog ang iyong puso. Isa sa pinakamainam na bagay na maaari mong gawin para matulungan ang iyong paggaling ay ang pagtigil sa paninigarilyo. Ang pagtigil sa paninigarilyo ay nakakatulong hindi lamang sa iyong baga kundi pati na rin sa iyong puso.